MGA PAALALANG PANGKALIGTASAN PAGKATAPOS NG BAHA
Kung sakaling nabaha ang inyong bahay, mag-ingat sa pagbukas ng power switch o main switch breaker, pagsaksak sa outlets at pag-on ng mga appliances.
Kung sakaling nawalan ng kuryente ang inyong tahanan, tingnan kung pati ang inyong mga kapitbahay ay apektado. Kung ang bahay lang ninyo ang walang supply ng kuryente, kaagad na ipasuri ang inyong electrical system sa isang qualified electrician.
Tandaan lamang ang mga sumusunod na paalala para sa inyong kaligtasan:
• Siguraduhing nakababa o nakapatay ang main electrical power switch o circuit breaker ng bahay ninyo.
• Mainam na bunutin sa pagkaka-plug ang lahat ng appliances o anumang gamit na de-kuryente. Patayin ang switch ng mga permanently-plugged appliances. Tanggalin din lahat ng mga bumbilya kung maaari.
• Tanggalin ang putik at dumi na nasa service equipment o main circuit breaker/fuse gamit ang personal protective equipment dahil maaring naibalik na ang kuryente sa lugar ninyo.
• Laging isipin na “live” o ”energized” ang lahat ng linya ng kuryente.
• Bago buksan, siguraduhing tuyo ang lahat ng switches, outlets, electrical wires, sockets, connectors, breakers at iba pang may kinalaman sa daloy ng kuryente. Kahit abutin ng ilang araw ang pagpapatuyo nito, mas mabuti nang maging ligtas.
• Bago isaksak at gamitin ang mga appliances, siguraduhing tuyo at malinis ang mga ito. Dapat ang mga ito’y nasuri ng electrician o service center agent.
• Maging mapanuri at alerto kapag nakataas na ang main switch ng bahay para mapansin agad kung may kakaibang nangyayari.
Tumawag sa Meralco hotline number 16211 o mag-text sa 09209716211 (SMART) o 09175516211 (GLOBE) kung sakaling nabasa o pinasok ng tubig baha ang inyong metro ng kuryente.
-This is a reminder from MERALCO